Ramdam na ramdam na sa masalimuot na sulok ng Friendster ang papalaking populasyon ng group na 100% Katolikong Pinoy, sa kabila ng katotohan na ito ay 6 months old pa lamang. Halos araw-araw ay may bagong miyembro na nadaragdag.Ano ang istoryang nakapaloob sa bawat titik na narito? Meron ba itong significance sa ating buhay o bahagi lamang ito ng bilyung-bilyong basura sa internet?
Find out from the man who started it all, 100% Katolikong Pinoy creator, mata sa mata, Francis Gonzales.
Bakit mayroong 100% Katolikong Pinoy ngayon na Friendster group?
Ang 100% Katolikong Pinoy ay naisip kong pasimulain sa pamamagitan ng isang mala-bombang "banal na kalungkutan" na nagdetonate nang mapansin kong wala ni isa ang nakaisip gumawa ng isang "totoong Katoliko, totoong Pinoy na grupo". Ideya ko ito upang magkaisa at magkaunawaan ang mga Katolikong miyembro ng friendster.com, lalo na't mas nauna pa ang ibang mga relihiyon sa paggawa ng mga grupong "religious-oriented" na sinasalihan rin ng mga Katoliko.
Sino ba si Francis Gonzales? Seminarista? Choir member? Frustrated priest? He-he! Sino ba siya?
Si Francis Gonzales ay isang dating seminarista ng Cor Jesu Seminary sa Dipolog City, kasalukuyang nag-aaral ng B.S. Nursing sa Dipolog Medical Center at nagsa-sideline rin bilang isang "Catholic Faith Defender".
You seem to be a religious man. What turns you on with our Catholic faith?
I was born Catholic. In my early adolescence I was converted to the Born Again group, "Shekinah Fellowship" that lasted only for a short time, then converted to Iglesia Ni Cristo for two years. At mid-15 I started a rigid doctrinal research in INC's doctrine and compared them with other faiths' doctrines and found INC faulty in many areas so and so. I was reconverted as Catholic at 16 and entered the Catholic seminary which lasted only two years before I shifted to nursing.
Looking back, I'm grateful that the Shepherd searched for me and never allowing me to be lost forever, beckoned me to his ever-open home just like a faithful father to his prodigal son.
Without doubt, 100% Katolikong Pinoy is one of the successful groups in the religion category of Friendster in terms of population. Have you ever thought why?
Siguro dahil marami talagang mga Katolikong Pinoy ang "uhaw" sa kasalukuyan; hindi ng dahil sa isang dry spell kundi ng dahil sa isang spiritual drought na rin na nangyayari sa kasalukuyan. 100% Katolikong Pinoy is an all time available Cyber-Oasis ng mga Katolikong adik sa Friendster ngunit paos ang kaluluwa for spiritual truth. We all just need spiritual invigoration with easy access to the Internet.
Favorite devotion?
The Blessed Sacrament. Ang lamig kasi ng aircon (joke). The Holy Eucharist.
Ang dati mong username ay Eagle-eyed. Anong ibig sabihin nun?
Matang-Lawin, hindi dahil sa fan ako ng Mulawin o ni Richard Gutierrez na talagang attractive talaga ang eyes ever! (ngek) Ang agila ay isang hayop na simbolong ginamit ng Simbahan para kay Apostol Juan. Si Apostol Juan ay tinuturing na pinakabata sa mga disipulo ni Kristo, ang kanyang "minamahal" at talagang matinding magmahal ang mga kabataan. Mala-poetic rin si Apostol Juan sa kanyang Ebanghelyo, sa kanyang mga sinulat at lalo na sa Apocalipsis (Revelations).
Isa pa, ang agila ay may mga matang nakakakita nang malayo. Tayong mga Kristiyano rin ay kailangang magkaroon ng ganitong katangian: ang tumingin sa Paraiso at sa kinabukasan ng ating kaligtasan at hindi sa kasalukuyang kasiyahan at makamundong luho. Gaya nga ng sabi ni San Pablo: "Ilagak ninyo ang inyong pag-iisip sa mga bagay na nangasa itaas, huwag sa mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa." (Col 3:2)
Are you involved in any parish organization?
When I was still a seminarian I was into catechesis. I became a catechist for a year. Now, I'm a neophyte Catholic Faith Defender.
Maraming mga taga-ibang religion ang madalas dumalaw sa group at karamihan ay tila naghahamon ng debate? How do you manage them?
May isinet akong rules sa grupo (PAALALA SA MGA HINDI KATOLIKO). Ito ay nagpapatunay at naglilinaw sa iba na ang 100% Katolikong Pinoy ay hindi isang grupo ng debatehan o ng kahit anong pakikipagtunggali ng mga relihiyon, kundi sa ikabubuti at ikakagagaling nga mga kapatid nating Katoliko at ang pagtugon sa kanilang pangangailangang intelektwal, espiritwal, at moral.
Sa isang forum, nangangailangan lang ng isang mild argument na hindi naninira o nananakit ng damdamin ng kapwa. Kung may nais man na makipagdebate ay hindi mainam kung gagawin ito sa isang grupong katulad ng 100% KP at kahit saan pang grupo. Mas
mainam kung makipagkita nang personal ang naturang humahamon sa akin, sa pamamagitan ng pagbibigay ko ng aking complete address o ng aking contact number.
So, pabor ka ba sa debate?
Pabor ako sa debate, sa isang matuwid na debateng katotohanan at katarungan ang pinaiiral. Maging ang ating konstitusyon ay hinihikayat ito. Mas mabuti ang isang debate na may sinusunod na alituntunin at kaayusan kaysa sa isang argumentong malayang nakikipagtalastasan at nakikipag-alipustahan na malimit ay walang patutunguhan.
The name of your Friendster group suggests that this is only open to all Pinoy Catholics. This doesn’t seem to be the case as there are non-Catholic members. Do you see this as a problem? How do you deal with them especially when there is a clash between our belief and theirs?
The announcement PAALALA SA MGA HINDI KATOLIKO which I posted in this group's starting periods speaks of the group's intention not to restrain people to join this group, Catholic and non-Catholic alike. It also a manifestation that the group is ecumenical, but take note that ecumenism is associated with peace and order. In the present state of the discussions, I saw complications in the members' remarks regarding their faith. I foresaw this and had expected this to a public all-Catholic group.
PAALALA SA MGA HINDI KATOLIKO is the official guidelines for non-Catholics who join 100%KP in their own will. 100% Katolikong Pinoy has no problems with good willed Protestants who formerly participated in the groups discussions peaceably. Yet with active proselytizers the group will always repost the PAALALA as a sane, self-explanatory, must-be-followed group rule concerning non-Catholics. Everyone found guilty not abiding in its rules are deemed illogical, unethical, and hazarduous to make discussions to.
Eviction from the group of a particular member is triggered by a member's suggestion or a poll vote.
In one word how would you describe someone who is 100% Katolikong Pinoy?
TUNAY. TUNAY because it is in tunay that the essences of true, genuine, and one-of-a-kind rotates. TUNAY is different from TOTOO. If I say that I am a TOTOOng Katolikong Pinoy, then I can simply say that I am born and baptized Catholic, and was born in the Philippine archipelago and can speak Filipino. But with TUNAY it will be much different. TUNAY na 100% Katolikong Pinoy transcends both physical, spiritual, mental, ethical dimensions deeper and with profoundness.
If you were not Catholic, what would you be?
I would be one persecuting Catholics, "anti-Catholic" kumbaga. Nais kong magkaroon ng isang Pauline experience of conversion na ako'y naging mangmang at manhid ng dahil sa aking sariling mga paniniwala at nagkaroon ng "realization" sa katotohanan.
What do you think will 100% Katolikong Pinoy! contribute to the Church in our country?
Our country had started to push the red button of technology and activated its computer-power in the society, uptown or suburb. 100% Katolikong Pinoy is of great help for ordinary Friendster aficionados who with religious concerns, can discover more with their faith as a sort of serendipity. Thus with 100%KP, the values of the average log-inner isn't downward with DOTA and RPG Games but upward to heaven as well, keeping their morals intact and their keepsakes for their faith undefiled. 100%KP also helps us to build a healthy dialogue with our non-Catholic brethren through amiable sharing and discussing of issues relevant to the common faith. As the Bible says it, "Blessed are the peacemakers, for they shall be called sons of God." (Mt 5:9)
Mainit na isyu pa rin sa grupo ngayon ang pagbabalik ni Benedict XVI sa Tridentine Mass. Ano ang pananaw mo rito?
Anuman ang utos o turo ng Santo Papa, amg mahalaga ay ang ating pagsunod sa kanya bilang paggalang sa kahalili ni Kristo. Hangga't naipahayag niya ito "ex cathedra", walang problema. "Roma locuta est, causa finita est" (Rome had spoken, case has been settled)
How do you see the group, let’s say, 5 years from now?
Maraming members, maraming benefactors, maraming detractors, at maraming interruptors.

Any plan of Grand Eyeball? Or should we say Grand Prayer Meeting?
Plano ko ang isang Grand Catacumbas sa pagdating ng ika-sampung libong populasyon ng grupo. Ang grand Catacumbas ay ginamit ko bilang distinction sa Grand eyeball and prayer meeting upang ipa-emphasize ang 2nd Century gathering ng mga Kristiyano sa mga underground cemetery o iyong tinatawag na Catacombs.
Besides, and ating mga computer cafes ay tinatawag ding "den".
One of the sections in your Friendster account that is oversubscribed is the Discussion Board. How do you moderate these discussions especially that the Catholic faith has to be upheld at all times (as the title of the account says: 100% Katolikong Pinoy)?
I let my members speak their minds out loud so I let them post their topics as many as they want, as long as it is not too offensive. Moderating is not an easy task for a moderator who has the most of the powers to lock and delete any topic he chooses, or to delete the group itself. If I ever see a topic that is inappropriate for the group's intention, I first make a poll to be voted by my members. If I see an unbecoming member that is harassing others' faith especially the majority, I first suggest a voting poll that will consider him as PERSONA NON GRATA and to delete him from the group and reject his future incorporation. Every significant move is being noted first to the knowledge of my members. Like my decision to privatize the group in its approaching 1000th, my members suggested to maintain the group's public status and I did it as they please.
Who's your favorite saint?
St. Francis of Assisi, sa kanya ko rin natutunan ang pagmamahal sa mga hayop kung saan magaling ako. (Minsan sa isang biology class ay hindi ko matuluy-tuloy ang pag-dissect ng isang palaka at isinulat ko pa ang bersikulo ng Bibliyang "All creatures, wild and tame, bless the Lord." Malapit na akong ibagsak ng teacher ko noon at nakiusap ako ng isa pang chance ng dissection na ginawa ko..finally.)
Sabi ni Gandhi, gusto niya ang mga turo ng Kristiyanismo pero ayaw niya sa mga asal ng mga Kristiyano. Agree or disagree?
Siguro gineneralized ni Mohandas ang asal ng isang kristiyano sa lahat ng Kristiyano, lalo na nang alam niyang ang Imperya Britanika na sumasakop sa India noon ay isang Kristiyanong pamunuan. Hindi ito tama. Halimbawa, ang isang may-ari ng kotse ay nakitang may sira ang kanyang sasakyan. Pinagawa niya ito. Nasira na naman. Pinagawa niya uli, Nasira uli. Sa paulit-ulit niyang pagpapagawa at paulit-ulit rin na pagkasira, ang matalinong may-ari ay makakamungkahi ng ganito, "Siguro ay papalitan ko na itong kotse." Subalit, sa isang makitid na may-ari ay ito ang maaaring sabihin, "Hindi na ako bibili ng kotse, pare-pareho ang lahat ng kotse! Sira agad!"
Answer ko? I disagree.
Pakidugtungan, "Nagsisimba ako kase..."
Nandoon ang minamahal ko. Ayaw ko Siyang biguin na makipagkita sa Kanya doon.
Communion by the hand or the traditional way?
Nagkokomunyon of the tongue ako. Hindi porke't nasa anyong tinapay ang Diyos ay higit na ako sa Kanya, mahahawakan ko na lang nang basta-basta at maikukumpara ko pa siya sa isang pandesal. Natutunan ko rin ang birtud na iyan sa Bibliya.
Para sa akin ako ay isang isda na hinuhuli (Mt 4:19). Sa bibig hinuhuli ang isda. Natutunan ko rin iyan sa mga isda ko sa aquarium, na namamatay pag nakaligtaan kong pakainin. Sa bibig rin sila kumakain. Ako na tulad ng isang isda, mamamatay na parang isda kung di matugunan ang pangangailangan kong espiritwal, ay dapat ring magpakababa at mag-asal isda na umaasa lamang sa biyaya at awa ng Amo ko sa akin.
Kung hihilingin ng Simbahan na lahat ng Katoliko ay magmi-misyon, saan sa mundo ka pupunta?
Sa lugar na di pa nakilala si Kristo, anywhere in the Middle East o sa North Korea. Pagdating sa mission hindi dapat tayo maarte.
Ano ang ultimate dream mo for the Church?
Pangarap kong magtagumpay ang Iglesia sa kanyang mga kaaway at kahirapan sa kasalukuyan. I am praying for her triumph. Kung anong paraan, Diyos na ang nakakaalam. Alam ng Diyos kung paano niya dadalhin ang Iglesia sa tagumpay.
Anong masasabi mo sa success ng Harry Potter?
Harry Potter mania is such an infective disease, pati ako nahawa na rin yata. Hinihihtay ko rin yung Deathly Hallows na mailabas sa di katagalan. The success of Harry Potter relies on its magical tapestry, especially kids and wonderers are often fascinated with supernatural legerdemain. May pagka-Cinderella rin ito, kung saan naaawa tayo kay Harry. Remember, Harry is a mistreated adopted child at sa kanyang pagsulong ay go, go, go tayo all the way! Anyway, it's just a passing movie.
Most favorite quotation?
"Show me the money!" - Tom Cruise, Jerry Maguire. Why? You know it already.
Anong suggestion mo para mabawasan ang pre-marital sex most especially sa mga youth? Grabe na ito ngayon.
Ka-iindoctrinate ko lang niyang bagay na yan sa isang boardmate ko na ubod ng
hilig. Respect lang daw, aniya. Well, ito ang nasabi ko sa kanya at sa lahat ng nagbabasa nito. Una, mahiya ka sa (magiging) asawa ng partner mo. Hindi kayo sigurado kung kayo na talaga kaya dapat mapreserve mo siya hanggang sa pagtungtong ninyo sa altar.
Ikalawa, love is patient (Pakibasa ang 1 Cor 13).
Ikatlo, kahit bata pa kayo ng GF o BF mong yan, tandaan mo na ganyan din ang nanay at tatay mo noon! Gusto mong iapply sa nanay at tatay mo ang nangyayari sa inyo ngayon? Respect him or her as you would respect your own mother and father, only younger. Ganyan din sila noon eh, katulad mo.
Pakidugtungan uli, "Attention CBCP... "
Please, instead of politics, better discuss with yourselves and double-check if the keys of heaven are still intact in your safe or was no more there, already stolen by the Protestants a long time ago.
Kung makakausap mo ang Diyos ngayon, ano ang unang itatanong mo?
Lord, kailan ka ba magsisisi sa mga kasalanan mo sa akin? Ito ay isang makamundong katanungan ng panunumbat sa Diyos. Dinadala rin nito ang makamundong panunumbat ng lahat ng tao sa Diyos. Ito ang proposisyon ng tao: Ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat kaya bakit ba hinahayaan ng Diyos ang mga paghihirap, sakit at kapighatian ng mundo?
Ito ang natural na itatanong ko bilang tao. Literally, masasabi mong makitid ang
utak ng nagtatanong nito.Hindi ibig sabihin nito na ang Diyos ay makasalanan at ang Diyos ay magsisisi sa kanyang mga gawa. Idiniriin nito ang napakabigat na pasanin ng kahirapan sa likod ng tao ng dahil sa kanyang sariling kasalanan. Sa ibang salita ay ganito ang ibig sabihin ng mas saktong kahulugan:
"Lord, kailan ka makakapagpaliwanag sa mga kahirapang dinaranas ko ngayon?"
"Sapagka't ngayo'y malabo
tayong nakakikita sa isang salamin;
nguni't pagkatapos ay makikita
natin sa mukhaan: ngayo'y
nakikilala ko ng bahagya,
nguni't pagkatapos ay makikilala
ko ng gaya naman ng
pagkakilala sa akin." (1 Cor 13: 12)
What is your motto?
"Look at the turtle! It only makes progress when he sticks his head out."Thanks, Francis. More power to 100% Katolikong Pinoy. See you sa Grand Catacumbas.
nice job!..congrats Franz,its a job nicely done..goodluck to the group and more power..
ReplyDeleteAs for you Franz,this is an achievement or i may say an accomplishment..i wish you goodluck.,YOU ROCK!
aha...si moderator sikat na...
ReplyDeletebuti na lang kilala na kita dati pa kung hindi...
hindi ako maniniwala na may ganyang uri ng tao na nabubuhay sa mundong ito na puno ng kasalanan..
god speed...
di man ako makadyos
anjan ka naman para ipagdasal kami...
amen
salvo rrg
ReplyDeleteANG GALING MO CHIZ.
SALVO
ReplyDeleteVERY GOOD. YOU ARE A CATHOLIC OF WORDS AND ACTIONS. REMEMBER THIS: AS SOLDIERS OF CHRIST WE ARE BOUND TO DO OUR PART.
REDULLA,RICHARD,
ReplyDeleteNice work cheezee, hope that you will continue to share your brilliant idea in your apostolate. The Fratres batch;ARMER,JOHNE REY, JO'IN, EDWIN,REYNALDO, ELGIVER, RANDY, MARK And RUIN ROY, are glad and proud of your confidence in publishing this inspiring work of faith worldwide.DEO GRATIAS! AD CHRISTUM PER MARIAM!
galing u,talaga...pinag-uusapan ka na sa Youth ministry namin ha...
ReplyDeletesana may dagdag questions pa,hehehe
ReplyDeletesecond year section richter is proud ofyou!!
ReplyDeleteDMC is proud of you!!
Parang gobernor o me-ari ng lupa!! hehehehehe...
ReplyDeleteHwaawww!! Galing talaga ng moderator, sinong gf mo ?
ReplyDeleteThat was a nice read kahit mahaba. More power to 100% KP! More power to the Roman Catholic Church!
ReplyDeletevey nice... keep up the good work Rap.... wish u all luck... t.c.
ReplyDeletegod bless you
ReplyDeleteAha meron ka palang secret ha... hehe.. hindi ko akalain yan, heheheh.. ahmm more power ..God Bless You.. take care..
ReplyDelete