Sa pagdiriwang ng Easter season, ikinagagalak naming maihatid sa inyo ang isa pang Eyeball sa isang maituturing naming huwarang kabataan ng ating panahon.Lubos po ang aming kasiyahan na makapanayam ang Founding-Director ng Confraternity of Catholic Saints (CCS), si Fra. Dave Ceasar De la Cruz. Sa mga di nakakakilala sa CCS, ito ay isang bagong samahang Katoliko na nag-umpisa sa Diyosesis ng Cubao noong 2003 lamang at pangunahing layunin ang pagpapakilala sa mga Santo at ang “Universal Call to Holiness.”
Si Dave Ceasar ay isang kabataan, isang guro ng Religion, altar server, at Liturgical Master of Ceremonies. Kamakailan lamang kinilala na siya ng Vatican sa pamamagitan ng Congregation for the Causes of Saints upang maging isang Vice-Postulator ni Bl. Ivan Merz ng Croatia. Siya na marahil ang pinakabatang Vice-Postulator sa kasaysayan ng Simbahan.
Anluwage: Sino si Dave Ceasar?
Dave: Si Dave Ceasar ay isang taong taga-Diyosesis ng Cubao na nangangarap na makapaglingkod pa sa Simbahan habang nabubuhay tungo sa ikababanal ng Sambayanan ng Diyos at nagnanais maging daan ng pag-ibig.

Anluwage: Bakit Religious Education ang iyong napili?
Dave: Hindi ko nga rin alam. Pero ramdam kong ito ang nais ng Diyos sa akin. Ngunit, dahil ito’y isang daan upang mapalaganap ang Mabuting Balita di lamang sa kabataan kundi pati rin sa mga mahihirap.
Anluwage: Kung ikaw ay hindi guro ngayon, ano ka siguro?
Dave: Isang artista o kaya ay photographer. Puwede ring isang pulitiko.
Anluwage: Pumasok ba sa isipan mo na mag-pari na lang?
Dave: Siyempre, oo naman. Sino bang hindi?
Anluwage: Bilang isang altar server, si Blessed Pedro Calungsod ay…
Dave: Isang modelo ng tunay na pagmamahal sa paglilingkod. Paglilingkod at pagmamahal hanggang sa huling hininga. Isa siyang huwaran ng tunay na pagmamahal sa kapwa.
Anluwage: Bakit may CCS?
Dave: Kasi, kailangan ng mundo ng taga-gising na ang kasalanan ay dapat na labanan at ang kabanalan ay tunay na makakamtam. Imposible [sa nakararami] ang maging santo. Kami ang taga-gising. Kailangan kasi ng mga santo. Buhay na santo.Anluwage: Ang CCS ayon sa inyo ay nakatutok sa mga santo at ang paghahayag sa Universal Call to Holiness, bakit mo napili ang ministry na ito?
Dave: Sa palagay ko na ang mga santo ay ang “best model” sa ating mga ordinaryong tao lalo na sa mga kabataan. Kailangan kasi ng mundo ang mga taong magiging liwanag, kaisa ni Kristo, at yun ang CCS. Gusto kong maging “liwanag” kahit may bahid ako ng kadiliman pero hindi ito hadlang upang makaisa ako kay Kristo.
Anluwage: Bilang Liturgist, Novus Ordo o Tridentine?
Dave: Novus Ordo, kaisa nito ang totong Misa noon pa. Ngunit pareho pa rin silang Misa.
(Editor's note: Para sa kaalaman ng lahat, ang Novus Ordo ay ang Misang ipinatupad ng Vatican Council II at siyang madalas na Misang isinasagawa sa mga simbahan sa kasalukuyan. Ang Tridentine ay ang lumang pagdiriwang ng Misa kung saan Latin ang ginagamit na salita, ang pari ay nakatalikod sa mga tao habang nagmimisa, atbp.)
Anluwage: Ang religious name mo ay Francis Teresa of the Immaculate Conception and of the Holy Cross, bakit?
Dave: Kasi si St. Francis ay Favorite Saint ko. Si Mother Teresa naman ang Patron Saint ko at kasama rin dito sina St. Teresa of Avila at St. Therese of the Child Jesus. Immaculate Conception, kasi birthday ko December 8. Holy Cross kasi apelyido ko ang De la Cruz (English di ba) at pakikiisa sa Opus Dei. Mababaw man ang dahilan, ito kasi ang gusto kong maging tulad ni Francis at ni Teresa, sana matuto akong mahalin ang mga mahihirap. Matutupad ko lamang ito sa pamamagitan ng pagtingin sa kabutihan ng Mahal na Birheng Maria at sa pag-ibig ni Jesus na ipinakita sa Krus, sa kanyang kamatayan sa Krus.
Anluwage: Tide o Surf?
Dave: Surf, para wais.
Anluwage: Mula sa isang pamparokyang organisasyon ang CCS ay nakikilala na rin sa mundo. Ano ang iyong mga plano para sa paglawig pa ng CCS?
Dave: Hindi pa naman ganoon kakilala ang CCS dahil ang CCS ay hindi organisasyon (in my sense) kundi isang “way of life.” Sa palagay ko, ang pinakamagandang plano para sa CCS ay subukan pang isabuhay ang spirituality ng mga santo at pagpapalawig sa pananalangin at maging inspirasyon.
Anluwage: Bakit kilala ang CCS sa Croatia?
Dave: Dahil kay Blessed Ivan na aming pino-promote at dahil kanilang hinahangaan ang aming spirituality na kahit kami’y bata pa eh naghahangad nang maging santo. (Hindi kasi kami makapaghintay pang mamatay… hehehe!)
Anluwage: Sino ang personal patron saint/s mo?
Dave: Marami. Sina St. Francis of Assisi, Bl. Teresa of Calcutta, St. Josemaria Escriva, Bl. Ivan Merz, St. Therese of the Child Jesus, at siyempre si Servant of God, John Paul II.
Anluwage: Si Blessed Teresa of Culcuta ay…
Dave: …isang Kristo sa mga mahihirap. Isa siyang inspirasyon.
Anluwage: Joey o Willie?
Dave: Hindi ako mahilig sa showbiz pero si Willie dahil sa pagmamahal niya sa mga nangangailangan, mga mahihirap.
Anluwage: Makikita na talagang mahal na mahal mo ang Holy Eucharist, bakit sa tingin mo mahalaga ang Holy Eucharist?
Dave: Dahil ang puso at katawan natin ay nagiging kaisa ng puso at katawan ni Kristo sa Misa. Dito natin mararamdaman ang tunay na pag-ibig ni Kristo at dito rin natin naipaparamdam ang pagmamahal natin sa Kanya. At sa Misa mararamdaman rin ang pag-ibig ng Ama na ibinigay ang kanyang Anak para maging pagkain at inumin natin para mabuhay.
Anluwage: Ano ang ginagawa mo bilang isang Vice Postulator ni Bl. Ivan Merz ng Croatia dito sa Pilipinas?
Dave: Tungkulin kong ipakilala siya dito sa Pilipinas at upang humanap ng mga himala para maging santo siya.
Anluwage: Ano sa tingin mo ang role ng kabataan sa Simbahan?
Dave: Halimbawa? Si Jesus lamang ang best example at model sa atin. Ang kabataan ay dapat makapagbahagi ng pag-asa at makapagbigay hubog sa pananampalataya ng ibang tao at kapwa kabataan. Dapat rin na magpakita siya ng simpleng banal na pamumuhay at makakamit ito sa panalangin, mga sakramento, at pagkakawanggawa upang maka-inspire rin tayo.
Anluwage: What is your motto?
Dave: “God’s love endures forever more!”
Anluwage: Pakidugtong, ang santo ay…
Dave: …isang taong tulad natin na nagmahal ng tunay sa Diyos sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapwa. Isang kaibigan na handang tumulong sa kahit sino dahil mahal niya ang bawat tao.
Anluwage: Ano ang reaksyon mo sa pagpasa sa Quezon City ng tungkol sa ordinansa sa sex and reproductive health?
Dave: Galit na galit, dahil sa pagbabale-wala sa dignidad at kahalagahan ng buhay.
Anluwage: Lozada o Abalos?
Dave: Sa katotohanan ako.
Anluwage: Kung bibigyan ka ng pagkakataon, ano ang sasabihin mo sa CBCP lalo na ngayon?
Dave: “Simulan natin ang tunay na pagbabago sa ating sarili.”
Anluwage: Greatest accomplishment?
Dave: Ang maging isang tao at Kristiyano. Pero sa totoo lang none, all accomplishments are from God not mine. To God be the glory!
Anluwage: Bakit Liturgy and Saints?Dave: Liturgy dahil ito ay paraan ng Simbahan upang tayo [ay] mapabanal. Mga santo, dahil sila ang mga taong nagkamit ng kabanalan sa pamamagitan ng pagmamahal sa Liturhiya.
Anluwage: Kung magkakaharap kayo ng Diyos, ano ang sasabihin mo sa Kanya?
Dave: Hi Lord! Thank you and I love you very very very much! Kiss and Hugz!
Anluwage: Limang taon mula ngayon ano ang kahahantungan ng CCS?
Dave: CCS pa rin. Isang organisasyon at paraan ng pamumuhay tungo sa kabanalan na naglilingkod sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng Mabuting Balita at pagpapahayag na ang kabanalan ay tunay na makakamtan. Ngunit ang Diyos lamang ang makaaalam niyan.
Anluwage: Mga plano mo sa iyong sarili?
Dave: Maging banal sa pamamagitan ng pananalangin pa, pagsisimba pa lalo, pangungumpisal palagi, mag-inspire pa ng iba, at magkawanggawa sa lahat.
Anluwage: St. Dave Caesar?
Dave: Diyos lamang ang makakasagot niyan. Ngunit walang imposible sa Diyos. Tandaan ang palaging sabi sa Bibliya, ng Simbahan, at ng CCS: HOLINESS IS POSSIBLE!
( Mark Rodney P. Vertido )
Related story:
May Ruler Ka ba?
U r truly an inspiration to everyone, Fra. Dave Ceasar...It's good that u r not so into showbiz kaya di mo alam that Willy, i assumed u r pertaining to Willy Revillame of Wowowee, is allegedly living extravagantly w/ luxurious mansions and cars and yacth...which i think soooooo far w/ ur idol St. Francis of Assisi.
ReplyDeleteI'm not saying that he's gotten all these material possessions by exploiting the poor ( this is another story ) but i wished u just ignored that question.
FYI.
kita ko ito sa 100katolikongpinoy wow... i don't know thers a youth founder pla haaa!!!!! keep it up weeeeehhh!!!!!!!!!!!!
ReplyDeletesolo dios bastah!!!!!!!!
haha!!!
ReplyDeleteI can't comment anything on it!!! It's so, very, amm... inspiring!!!
He inspired me! Thanks to anluwage.com for making him the Highlight for this season. I am sure many will be inspired of his works, the Confraternity he founded and most especially of his inner holiness.
ReplyDeleteFra. Dave, pray for me! Pray for us!
Fra. Francis, salamat po sa magandang interview sa inyo! Nakakainspire maging banal. Salamat din po sa magandang recollection na ibinigay mo sa aming parokya at sa pagdala sa mga relics ng mga Santo. More power to CCS!!!
ReplyDeleteKailan ka kaya magiging Saint? I am sure ang parokya namin magiging Shrine mo sa dami ng nainspire sa talk mo!
ReplyDeleteFra. Dave, pray for us! Pray for me!
Si Saint Dave! ay si Brother Dave pala! Grabe! Super bait!!! Napaka-Saint!!! Please pray for me always and for our school! We love you po!
ReplyDeleteFra Dave congratz sa anniversary ng CCS at sa inyong profession. Sana marami pa ang maging katulad ninyo at ipagdasal nyo po kami ng kami'y maging santo.
ReplyDeleteBrother DAVE!!! Wahhh!!! Living Saint ng school namin, ang Immaculate Conception Cathedral School ng Cubao! Yahoo!!! Sikat! Pray for us always ha!!!
ReplyDeletebrodave! "BRO!" wow! ckat k pla! bow kmi sau! bro! s opening ng skul yr, dnt frget d homilies h!!! luv u bro!
ReplyDelete